Hello! Ako nga pala si Ate Reid. Matagal na akong nagsusulat ng mga kuwento simula pa noong bata pa ako. Matagal ko ng libangan ang pagsusulat, at ang pinakamadalas kong genre ay Horror at Mystery-Thriller.
Natatandaan ko noong elementary student pa ako, madalas akong magsulat ng mga kuwento sa bondpaper na may genre na horror, at gumigipit ako ng mga larawan mula sa mga magasin na related sa kwento ko. Isang larawan lang kada kwento, parang storyboard.
Kung nais n'yo pa akong makilala, mag-scroll at magbasa lang kayo dito. Maraming salamat sa pagbisita!
MY USERNAME/PEN NAME
Hi, B-Reiders! Alam kong kaya niyo to binabasa kasi curious kayo sa'kin (≧▽≦).Alam niyo ba kung bakit 'bratzreid14' ang username ko sa watty? Syempre hindi pa dahil hindi ko pa sinasabi HAHAHAHA. So ito na, malalaman niyo na...
Iisa-isahin ko muna:
Bratz— fave ko lahat ng characters nito at ito yung madalas kong pinapanood nung bata ako (bukod sa horror) ♡.
Reid— since 2014, JaDine fan na ko ꈍᴗꈍ super duper crush ko yan si James Reid na halos nagwala ako nung hindi ako nakapunta sa MIBF (hindi ko na alam exact date nito) ಥ╭╮ಥ
14— ito namang number na 'to, birthday ko yan kaya naging fave number ko na hehe.
At dahil diyan kaya nabuo ang Username kong @bratzreid14 sa watty ^_^
Kaya naman 'B-Reiders' ang tawag ko sa mga readers ko dahil 'Bratz-Reiders' ang ibig sabihin non. Parehas kasi ng pronunciation ang Readers at Reiders diba.
Syempre ang gusto ko na tawag naman sakin ay...'Ate Reid', may explanation rin yan kung bakit hindi siya Mrs. Reid, Bb. Reid at iba pa. Only child lang kasi ako at natutuwa ako kapag may tumatawag sakin na "Ate", nafifeel kong may kapatid ako (❛ ᴗ ❛).